<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d28273311\x26blogName\x3dEdi+Kulit\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://edikulit.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3des_ES\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://edikulit.blogspot.com/\x26vt\x3d-8596353536954206184', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
Bahay
E Kami E
Kaibigan
Noon 'To






Web Blog

Ni Aia at Kaishie. Wag ka magulo kung ayaw mong ma-pompyang ni Kaishie at ma-jompal ni Aia.

Dating template to ni Aia. Hindi na sya gumawa ng bago dahil tinatamad sya at kapos sya sa internet access, di tulad ni Kaishie na SRK at naka DSL. (peace jap)

Kung hindi mo kami feel at hindi ma-carry ang ka-jologan namin, chups ka nalang. (ooh ansama ng iniisip) Chups as in you make pindot to the small [X] on the top right op yur windu. CHENES?


hits

sábado, septiembre 09, 2006
posted at 9:07 a. m.

Iniwan na ko ng tuluyan ni Jap! Asan ka na? Ako'y nangungulila na sa iyo. Andami ko ng pending chika sayo.. Mag online ka naman! Sa summer ka nanaman mag ool lagi. Ito kapag sa summer di ka parin nag update... Wala lang, edi sige di ka nag update! Hahahaha.

Hoy! Andami ko talagang ichichika sayo.. Kaya lang baka pagka online mo malimutan ko na lahat. Basta may chichika talaga ako! Isang kahindikhindik na pangyayari.

MISS NA KITA JAP!!! MAG ONLINE KA NA!!!


- nangungulilang ALIEN

0 natae



viernes, junio 23, 2006
posted at 9:09 p. m.

JAP ASAN KA NA???


- The Alien

0 natae



martes, mayo 23, 2006
posted at 9:42 p. m.

Manonood ako ng sine bukas. Yey! At binigyan ako ng baon ng nanay ko. Isang pack ng chicken nuggets at rice plus carrot juice na homemade. Syempre joke yan, binigyan akong pera. Milagro! Pero nanakot muna.. parang masama sa loob nya ang pag alis ko. Naiinggit siguro.

Ipit-ipit Gang. Ngayon ko lang narinig yan. Hindi ko alam kung pauso lang ng nanay ko o may ganyan talaga. Uso daw yan ngayon, lipana daw sa mall. Hindi ako masyadong nakikinig nung nagmimisa sya tungkol sa gang na yan, pero ang naintindihan ko e group of 2 and more peeps yan, may iii-spray sayo at mapaparalyzed ka para madaling ka nilang manakawan.

Nagtaka naman ako kung bakit sa mall.. hindi ba mahahalata ng mga tao na ninanakawan ka na! SHULLERRRR.. sa usi ng mga Pinoy, hindi sila makakatakas.


The Alien

8 natae



lunes, mayo 22, 2006
posted at 9:14 p. m.

"If i Cut your wrist would you thank me?"

Yan ang madalas kong tanong sa mga kaibigan kong masyadong problemado na kala nyo eh pasan nila ultimo problema ni ate glo.... pero lam nyo madalas nilang sagot?

"Eh kung ikaw kaya i-cut ko dyan?!"

Ang negative ng mga reaction nila.. masyado nilang sineseryoso tanong ko.. napapaisip tuloy ako kung may masama ba sa sinabi ko? Then aking napagtanto na literal na meaning pala ang iniisip nila... eh iba naman talaga... what i mean by that is kung matutulungan ko sila sa problema nila papasalamatan ba nila ako? Kasi minsan may mga taong sadyang ayaw mapakialaman ang private life nila.. ang problema kasi sa mga kaibigan ko.. masyado silang emosyonal pag may problema.. di sila marunong tumawa o ngumiti man lang.. parang AKO.. [pero dati yun,, ngayon bibihira ang makakapansin na may problema ako.. kasi mas nababangag ako ngayon pag may problema/depressed.. oh diba improving?]

i HEART Erik Mana!

Bilib ako sa kanya... mahusay syang talaga.. para syang clone ni David Blaine [isa pang patuloy na nagpapamangha sakin].. Sinabi ko sa sarili ko habang nanonood ng TV Special nya na MASTERMIND sa ABS.. "Gusto ko rin maging kagaya nya" pero ulit indi literal.. [uhmm.. wait, pwede na rin pala para pwede kong pamanghain ang sarili ko na sadyang ginawa na maging utu-uto] gusto kong pasayahin yung mga kaibigan ko tuwing malungkot sila.. ayoko kasi na magiging bangag sila tulad ko na tila sanay na ata sa lungkot *wapakk! ang kornii! masyado na syang madrama* ng buhay.. [wahahahaha aba andito pala yung isang nawawalang cast ng gulong ng palad]

*biglang may sisigaw sa background*

"TAHOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO..."

THE END

Ang Japon

2 natae



sábado, mayo 20, 2006
posted at 9:41 p. m.

Kapag binato ka ng tinapay.. saluhin mo!
Hahahahahahahaha!





Maging sword ka! Maging sword ka! Maging sword ka!



Alam ko hindi ka pamilyar jan. Cool ka e. Narinig ko lang yan sa isang AM Station na itago nalang nating sa pangalang Dizzy Dobol Bee. Hi Kuya Larry Damian at Kuya Orly, fan mo ko.


The Alien

4 natae



Bakit pa nagdadamit si Winnie The Pooh kung di rin lang naman sya magshoshorts? naitanong nyo na ba yan sa inyong mga sarili? o di naman kaya ay napagtanto nyo na talagang half hubad si pooh? *parang may sense eh noh?*

WARNING. panibagong kakorniihan nanaman po ang matutunghayan nyo sa mga susunod na paragraph.. please bear with us... este me lang pala... hehe!

dati napapaisip ako kung si winnie the pooh ba ay lalake, babae, bakla, tomboy o walang kasarian.. pero walang kinalaman uli yan sa ipopost kong topic.. isinama ko lang para may panibago kayong iisipin.. hehehe!

pero sa totoo lang nagtataka ako kung bakit si Pooh lang ang may damit [ay pati rin pala yung anak nung dambuhalang kangaroo... pero di talaga sya malaki.. feeling ko lang talaga malaki sya].. na kung bakit yung donkey eh kakarmpot na ribbon na pink lang at sa may PWETan pa ikinabit, yung dambuhalang kangaroo naman ay isang apron lang at yung iba pang natitirang characters ay wala ng saplot... di naman kaya may peyboritism yung lumikha sa kanila? di kaya totoo talagang alaga nya si pooh at sya si Christopher Robins? oh di kaya naman ay kras nya si pooh at sadyang pinagnanasahan nya yung iba pang mga characters na naka-bold [titigil na ko baka ma-MTRCB pa ko.. wahahahahahaha]?

pero ano man ang damit/itsura nila... labs ko silang lahat lalo na si tigger, piglet, pooh at yung donkey [nakalimutan ko yung name kasi] except yung rabbit na parang laging menopause... *para mo na rin kayang sinabi lahat ng characters.. abnoi ka..*

tignan nyo oh.. ang kyut kyut nila..


at dyan na po nagtatapos ang kabalbalan kong ito... BOW.

Ang Japon

7 natae



viernes, mayo 19, 2006
posted at 9:46 p. m.

Hinuhunting ako ng mga BISCUIT!!! Waaaaa.

Hindi ko malaman kung bakit pero kanina pa e... nakakainis na. Kanina pa puro biscuit ang patalastas. Kung anu ano, may ace, rebisco, bravo.. nakalimutan ko na yung iba, basta bisKWIT!! Tuloy kahit full na full na ko, nagpabili pa ko ng biscuit.

Kundi ba naman ako chenes to the loudest volume, hindi ko nasabi kung anong flavor ang gusto ko. AYOKONG AYOKO ng chocolate pleybor, e yun pa naman ang nabili, sabi ko, "ayoko nyan yung strawberry gusto ko!", pero wala daw. Osige, sayang pera e. Hindi ko akalaing magugustuhan at mauubos ko yun. OHA, sabi sayo i lab biskwitsss e.:p

Peyborit ko yung biskwit sa mga lamay. Masarap yun e! Meron isang lata ng Rebisco Biscuits (pang lamay) yung pinsan ko, at tuwing pupunta ako sa kanila yun ang hinahanap ko. Naging automatic na, pag dating ko dun itatapat na nila sakin yung lata, pero sa panginip ko lang ata yung pinagsisilbihan nila ako.

Gusto ko rin yung Marie. Yung malaking bilog at yung maliit na parang hugis puso ang korte (redundant). *yum yum*

Pero syempre hindi magpapahuli yung LOBO!!! Kung batang kalye ka, batang lansangan at kung ano pang klaseng bata na tambay sa kani-kanilang suking tindahan, sigurado ako alam mo yun. The best yun, naabutan kong fifty cents lang yun, ngayon ata piso na. Pwede rin yung proxy sa cerelac.. onting gatas, mainit na tubig, durugin mo ng bahagya yung biskwit.. WA-LA!! Instant baby food.


The Alien

10 natae



grabe nakaka-overwhelm sa dami ng bumibisita.. at mas lalong nakaka-overwhelm yung mga compliments... para bang feeling ko malapit lapit na naming maabot ni aia-pot yung pangarap namin.. grabe! todo na toh! *mala-rufa mae ang voice* dinaig pa ng blog na toh ang traffic sa blog ko nung nagsisimula pa lang ako... wahahahaha! pero ang topic ng aking entry ay malayo sa sinisimulan kong paragraph.. sadyang mahilig lang akong magfeeling kaya ganito ang drama ko.. *hanggang dito sa blog na toh dinala ang pagka feeling-era*

ang totoo na eexcite ako hanggang ngayon.. *taga-bundok kasi sya kaya ganyan ka exagg,, hayaan nyo na* ayokong maging hypocrite,, oo once kong pinangarap sa mundo ng blogging ang sumikat.. natutuwa kasi ako dun sa ibang blog na umaabot hanggang 50 [minsan pa nga 100+.. yun eh dahil wala silang tagboard at ginusto ng mga tao na mag advertise ng kani-kanilang blog kaya ayun.. alam nyo kung bakit ko alam? kasi gawain ko yun dati... nyahahaha!] ok naligaw na ko ng tuluyan,, di naman talaga ito topic ko eh..

ETO TOTOO NA TALAGA. natutuwa ako ngayon [oh wak isipin ng
isa dyan na lablayp nanaman ito.. wahahahahaha!].. bakit? kasi di ko akalain na ang simpleng salita na "nyok nyok" ay ginagamit pala ng ibang mga magkakaberx na tawagan.. *kala mo kung anong napakahalagang topic eh noh..* nakakatuwa talaga.. ang salitang yun kasi para sakin ay counterpart ng "wahahahahaha" ko pag natatamad na ko magpahaba ng tawa.. o sadyang gusto kong magtunog baboy.. [pero di ko kaya yung baboy "sound" kaya wag nyo isipin na kaya ko yun... at kung kaya mo yun.. hehehe! isa lang meaning nun... ipinaglihi ka ng nanay mo sa alagang biik ng kapitbahay nyo..]

but in reality,, nung mga grade 1 pa lang siguro ako.. naiinggit ako sa ibang bata na marunong mag "nyok nyok" ala baboy sound.. parang ang galing galing kasi nila.. ilang beses ko na rin binalak gayahin sila pero sadyang di ako ipinaglihi ng nanay ko sa biik ng kapitbahay namin sa kadahilanang mas malandi daw yung biik sa kanya dahil kahit maglalakad lang sa tapat ng bahay nila ay naka make-up pa.. *aba! kire ang biik na ito.. KIRE in other words.. malandi* [pero lahat ng ito tungkol sa biik ng kapitbahay namin ay gawa-gawa ko lang kaya kung naniwala ka e.. uto-uto ka]

at dyan po nagtatapos ang Alamat ng Nyok Nyok..

ok mga kids.. ano ang natutunan nyo??

Bata 1: ako po titser ang natutunan ko be kind to pigs..
Titser: Very good... o ikaw naman?
Bata2: titser ako po naman natutunan ko.. barilin ang mga bakla!
Titser: e bakit naman napasok ang bakla sa kwento?
Bata 2: titser sabi po kasi ng tatay ko ang baboy daw po na nagmemake-up bakla...
Titser: ahhh... ganun ba *ang kornii naman ng batang toh*
Bata 3: titser! titser! di naman po nyok nyok yun eh "nyork nyork" *wahahahaha! mas kornii ata ako kesa sa kanya*
Titser: wat is hafening to da world!?!?

THE END..

Ang Japon

6 natae



jueves, mayo 18, 2006
posted at 4:29 p. m.

Hinangad kong maging una sa pagpopost kaso inunahan ako ni aia-pot kaya ayan.. wala na kong magagawa.. nyahahahahahahaha!

ang astig naman,, ang pangarap nabuo na talaga.. nagulat nga lang ako ng tinext nya ko tungkol sa kahibangan na toh kagabi. pero ayos! biglang kinabukasan pala open for business na ang blog namin.. HURRAY!

actually nagpost lang ako kasi gaya ni aia naeexcite ako.. at dahil para naman di sabihin ng iba na batugan akong bata.. nagpost na rin ako.. *tinamaan ng meteorite at namatay.. hindi pa pala.. namental block lang*

sana suportahan nyo po kami.. and sana palaganapin nyo, "spread the word" ika nga. para naman ang pangarap naming sumikat ay matupad.. paxenxa na pangarap kasi namin maangatan si bryanboy at ang mga kape. *kape?*

diba ang kyut kyut namin?

[pag di ka nag-agree lagot ka sakin.. dadalawin kita sa bahay nyo at bibigyan kita ng isang... tasa ng kape.. para saan? ewan ko rin.. wahahahahaha]

Ang Japon

1 natae



Yahoooooo. Buo na. Finally! Pero may kulang pa. Japers, lagay mo na yung profile mo. Hehehehe! Ansaya namin. Woohoo. Ok ako unang post.:p Sa totoo wala akong masabi. Natutuwa lang ako dahil may blog na kami. Mas hectic na ang sched ko sa mundo ng blogging world. Ansaya saya. Isa lang ibig sabihin nyan... wala akong social life kaya dito ko binubuhos ang lahat ng oras ko. Ayos diba?

Tama na.. ayokong mag mala-artista dahil hindi namin kami sikat ni Jap. Pag sikat na kami, carry na mag inarte. Pero sa ngayon, humble muna kami. Hahahahha!


The Alien

2 natae